does it bother me? Yes. will i ever tell you? No.

image


Reblog / Posted 1 day ago with 1 note
laptrip sa mga nagtatanong xD

yo, di ko sinabing 3 years akong di magbbf sabe ko lang mga 3 years bago siya dumating pero di ko din masasabi di ba? malay ko ba kung bukas makilala ko na yun si future bf haha.

tska di ko naman din sure yung pang5th bf siya na yung last, kase nga BATA PA KO, kung ayaw ko sa love ngayon malay niyo in 5 mos, mainlove ako =.= thank god wala sa plano ko xD

so yun, di ko din sure sa sarili ko yun, nyaaaa, dami nagtatanong sa fb eh. pero sa ngayon, single talaga muna, si god ng bahala sa love life ko alam niya kung anong nakakabuti sakin 

true love waits po :)

image


tagged as: personal.
Reblog / Posted 1 day ago
hindi porket ngumingiti ako, wala na kong problema. may mga oras din na natutulala nalang ako, may mga oras na gumigising akong umiiyak ng di namamalayan, madaling magpanggap na masaya kahit hirap na hirap ka na.


tagged as: personal.
Reblog / Posted 1 day ago

Reblog / Posted 1 day ago with 14 notes
waaa grabe, sobrang tumblr crush ko si STRAWBERRYTELLE, as in almost everyday binibisita ko blog niya at fb page para magbasa ng latest post, nakakainspired kasi, wala lang, tuwang tuwa lang ako napansin niya ko, ang saya ko lang. ♥♥♥♥♥

waaa grabe, sobrang tumblr crush ko si STRAWBERRYTELLE, as in almost everyday binibisita ko blog niya at fb page para magbasa ng latest post, nakakainspired kasi, wala lang, tuwang tuwa lang ako napansin niya ko, ang saya ko lang. 


Reblog / Posted 1 day ago

Reblog / Posted 1 day ago with 746 notes
PAMBIHIRA ! GUSTO KO NG CAKE !

dear lord, cake poooo, penge pong cake xD


Reblog / Posted 1 day ago

Reblog / Posted 1 day ago with 2,360 notes
dear future and last boyfriend,

alam kong napakabata ko pa para sabihin to pero gusto ko talaga kung sino yung magiging 5th bf ko SIYA NA TALAGA haha. ayoko na din kasi ng sobrang daming ex. kaya mamimili akong maigi, si god na din bahala syempre, alam ni god kung sino ang right guy para sakin. basta alam ko, kaya ko to :D

sinabi ko yung “siya na talaga” dun sa guy na unang magbibigay sakin ng white rose. pero masyado din kasing mabilis yung pangyayari eh, di ko alam kung sinusubukan lang ba ko ni god o ano :D basta alam ko, hindi talaga muna ako magbbf.

hindi na ko bitter, at hindi ako man hater. alam ko lang na kailangan kong piliin yung guy na kaya akong tanggapin ng buo, yung walang pakielam sa past ko, ang demanding ko lang, =.= pero yun talaga eh :) 

wala naman akong naging bf na anti christ pero gusto ko padin sa guy yung god fearing. 

hmmm, hindi ko kelangan ng gwapo , macho , blue eyes =.= hindi panlabas yung tinitignan, para sakin yung ugali yung mahalaga, at yung guy na alam kong ibibigay sakin ni god, alam kong the moment na makita ko siya tatapikin na ko ni god tas sasabihin niya yan na yun :D at alam kong hindi pa ngayon yung right time. hindi din ako maghahanap kasi nasakin na yung all the love na hinahanap ko , binibigay skin yun ni god kaya di ako magmamadali :)

hindi ako nagpropromise na sure to ah, kase pag tinamaan ka ng love di mo din masasabi eh, at pag nasagasaan na relasyon nyo HINDI MO DIN MASASABI.

gusto ko siguro yung relasyon na may namumuong prayer at tinataas yung relasyon ke god, yung relasyon na walang judgement and full of trust. la kase akong trust tapos si ex naman nag judge, kaya ayun di kami nagwork out. pero lesson na din saming dalawa to na hindi lahat, dapat sinasabi. mali din kasi ako na sinabi ko yun at mali din siya na nasabi niya, tanggap ko na hindi kami meant to be, meant to be lang na magiwan ng lessons para sa isa’t isa.

basta, kaya ko talaga to !

image

dear future and last boyfriend, 

papahirapan kita alam mo ba yon ? xD mga 3 years pa bago ka magpakita ha? ayoko muna magmahal eh, mabilis pa naman ako mafall , pero pangako to, i will give you all the love and trust pag napatunayan mo na worth it ka :) ipropromise ko yun mismo kay god xD hindi mo kailangan gumastos pag monthsary kasi para sakin importante ang anniv, hindi mo kailangan maging sweet lagi sakin kase we can be friends sa relasyon natin, yun nga lang hindi kita papayagan mag bisyo, hindi ako papayag sa mga bagay na makakasama sayo, yun dahilan kung bakit ayaw namin kayong magbisyo, hindi ako magseselos sa mga kaibigan mong mga babae kahit minsan di ko matitiis yun, magtitiwala ako sayo. di mo kelangang gumastos para sakin dahil wala ka pa namang trabaho :) hindi kita lolokohin at sasaktan, hindi ako gagawa ng bagay na ikasasakit mo. aalagaan kita at iingatan. iiwasan kong magaway tayo. hindi ka makakaramdam ng panlalamig sakin dahil lagi kitang lalambingin, hindi ako magkukulang kahit isang araw na batiin kang good morning pwera nalang siguro pag walang load? nyaaa. papaulanin kita ng letters kase korni ako.

ewan ko nga bat ko sinasabe sayo to eh di naman kita kilala, bahala na talaga si lord, if will ni god na maging last kita then i’m ready to face all of the trials na nakahanda sa magigin relasyon natin.

-

okay muka na kong ewan kung sino sino kinakausap ko =.= nahahawa na ko kay STRAWBERRYTELLE ! kinakausap niya din future bf niya. amp


tagged as: personal. last boyfriend. strawberrytelle.
Reblog / Posted 1 day ago with 2 notes
i am nothing, NOTHING without god.

naiiyak ako. sobra, ewan ko kung bakit, nakikinig lang naman ako ng gospel songs pero eto ako, pinipigilan maiyak. gusto kong tumakbo papunta sa kwarto ko at lumuhod, umiyak, magdasal, kausapin siya.

nahihiya ako ke lord, gusto ko siyang tanungin, “lord, galit ka ba sakin? napatawad mo na ba ko?” gusto kong umiyak kasi hindi ko mabigay ung THE BEST ko kay god hindi ko alam anong gagawin ko to prove to him na nandito ako ulit, sakanya, mas malalim pa ngayon kesa dati na paeasy easy lang sa pagdasal sakanya, gusto kong iprove ke god na SAKANYA AKO AT SAKANYA LANG.


hindi ko alam kung anong ginawa sakin ng youth summit o ng youth camp pero sobrang nagbago ako, dati na kong kristyano pero iba to eh, I WILL LIVE AND DIE FOR HIM, DO ANYTHING FOR HIM, LOVE HIM, PRAISE HIM, WORSHIP HIM.

god’s love is FOREVER.

his love is pure.

yung feeling na tatapikin ka niya tas sasabihin niya “nak, nandito lang ako”

sa dinami dami dami ! ng problemang naranasan ko sa 17 years na nabubuhay ako, alam ko at nararamdaman ko nanjan siya, nakahawak sa balikat ko, hinihintay ako. meron pang time na nung bata ako, umiiyak ako kase wala akong papa, sabe niya “ako, tatay mo ko.”

hindi niya ko iniwan, alam kong nasasaktan siya tuwing nasasaktan ako at alam kong nasasaktan ko siya pag gumagawa ako ng mali, sinasadya man o hindi. lord, sorry. hindi sapat na magsorry ako kahit million times pa sa dami ng sins ko. hindi sapat na isigaw kong mahal kita para patunayan yun. im giving you my life. 

sino nga ba ako di ba? normal na babae lang. gigising sa umaga, maliligo, magaayos, pupuntang school, magaaral, uuwi, kakaen, matutulog. sino ako para mahalin ni god ng walang hanggan? at sino TAYO para hindi ibalik yun?

kahit ako mismo, di ko maintindihan kung bakit ko tintype to, pero pakiramdam ko magkukulang nanaman ako kay god kung hindi ko ipopost to.

madami akong babaguhin sa sarili ko, sa sobrang dami hindi ko mapost dito.

but i’m thankful. kase kilala ko si GOD may GOD ako, may AMA ako, alam kong kahit sinong tao hindi matutumbasan yung pagmamahal niya sakin.

-

kung binabasa mo man to, kung sino ka man, please, kahit isang minuto lang, pray. 

o kahit isang “sorry lord and thankyou”. 

hinihintay ka niya. 


Reblog / Posted 1 day ago with 7 notes

7 : 42 am at ito pinapakinggan ko, ewan ko ba, pinanuod ko kasi yung message saming mga kristaynong kabataan ni yeng constanino, at ayun, nablessed nanaman ako, ganun lang. kaya umakyat ako at kasalukuyang pinapatugtog ng malakas tong get up ng planetshakers, one of the christian band na sobrang nakakaelib next to hillsong :)

grabe, feel ko mamaya magbabasa na ko ng bible eh xD

ang sarap ng feeling, iba padin talaga kapag kasama mo si god sa umaga.

get up and praise him :’) hinihintay ka niya :)

goodmorning ! :D


tagged as: personal.
Reblog / Posted 1 day ago
nilalaro ng crush ko buhok ko..

on the outside i was like..

image

but on the inside i was like

At school on the inside


Reblog / Posted 2 days ago
‎”we will live and we will die for CHRIST” -yeng constantino 

‎”we will live and we will die for CHRIST” -yeng constantino 


tagged as: youthsummit.
Reblog / Posted 3 days ago with 5 notes
Youth Summit 2012 extreme no middle grounds

sabi ko sa sarili ko, pagbukas ko ng computer at dito sa blog ko, unang una kong ipopost eh kung gano ako KABLESSED sa naganap na youth summit kahapon at ngayon.

may 28, 2012 day 1


natulog ako ng 1 , at nagising ng 2 30, ewan ko ba, excited kasi ako sa magaganap na youth summit at first time kong makakatungtong ng araneta.

yung tipong pagpunta mo palang ng araneta bless na bless ka na kase more than 14,000 christian youths eh nandon, SOLD OUT ang youth summit at araneta. sobrang nakakataba ng puso na malaman mong ganun na kadaming kabataan ang nagpupuri kay god, kabataan palang yun, at di pa kumpleto yun, pano pag nagsama sama na? 

madaming pastor na nagsermon samin xD favorite ko yung unang una kaya di ako natulog, kaya lang sa ibang sermon ayun, nakatulog ako, puyat kasi =.=

naging guest namin si miriam quiambao, ang gondo niyaaa ang tangkad pa, upperbox A kami kaya hindi masyadong malayo, ayun nagsalita siya about dun sa gays, kaya lang nakatulog din ako xD hindi lang naman ako, isang row din kaming tulog :P

day 2


para sakin, sa expi ko. palaging masaya ang day 2, 

naging guest namin si cesar montano, ayun, kumanta siya, di ko expect na christian din siya :)

tas si p’noy na talaga namang pinagsigawan, expected ko kung ano ano lang sasabihin niya, pero hindi, sobrang galing niya magsalita, para sakin, matalino si p’noy, tuwang tuwa pa siya samin kasi napakadami nga namin, :)

dumating din ang bandang SESA , pinaikli ng “prinsesa” vocals si YENG constantino, grabe ang puti niyaaaa, tapos drummer nila our very own kkb karmi santiago, 3rd best girl drummer sa buong mundo , lahat sila babae, 5 sila sa banda, grabe, nakakabless sila sobra, kumakanta lang sila naiiyak na ko kasi kitang kita sakanila yung pagkasincere at pagkakristyano, yung love ni yeng kay god, kitang kita, at yung way ng pananalita niya, ang sarap sa pakiramdam na kahit sikat siya mapagkumbaba siya, malambing boses ni yeng kahit nagsasalita lang siya para siyang kumakanta, yung BG music ko, banda nila kumanta xD

-

“if it is for the lord it must be the purest, holiest it must be the best”

ang sarap sa pakiramdam na naiiyak mo kay god lahat habang nagprapray at mararamdaman mo if forgiven ka, mararamdaman mong ANDIYAN SIYA.

hindi ako nagkristyano dahil gusto ko lang, nagkristyano ako kase NARAMDAMAN KONG TOTOO SIYA, sabi nga eh, once na maramdaman mo si god, hindi mo na siya iiwan forever and ever.

habang nagprapray sinuko ko na din sarili ko sakanya at nasabing sakanya lang ako, kaya ayun, di ako nakukulangan sa buhay ko ngayon kaya hindi ako makakita ng kahit anong rason kung bakit ako magboboyfriend, hindi talaga muna, kay god nalang talaga muna ako. sakanya ako makikipagdate :) at sakanya ko ibibigay lahat.

hindi ko sasabihing banal ako, at di ko sasabihing hindi ako gumagawa ng kalokohan, pero tintype ko to ngayon dahil ayokong malimutan kung pano ipinaramdam sakin ni god na mahal na mahal niya ko.

ngayun lang ulit ako nakaramdam ng ganto kagaan na parang wala akong problema kahit umuwi ako at mejo nanlumo dahil kaaway ko mga tao dito at 2 days ko na silang di nakakausap bukod ke mama, nainis ako kase nawala kagad yung presensya ng holy spirit pagpasok ko ng bahay, pero pag pasok ko ng kwarto, nakaramdam ulit ako ng gaan. hinahayaan ko nalang sila ng hindi ako kausapin, mas okay na din yun kase sobrang blessed talaga ako at ayokong mapalitan yun ng galit.

nararamdaman kong mas nagbago pa ko ngayon unti unti ko ng inaalis yung mga negative sakin, hindi ako perpekto, at alam kong sooner or later magkakaron nanaman ako ng sins, lahat naman nagkakaron nun, pero pipilitin kong hindi gumawa ng bagay na hindi magugustuhan ni god, minsan lang ako magpromise at itong isang to, sisiguraduhin kong tutuparin ko, na kahit kailan, hinding hindi ako aalis kay god. 

-

hindi na ko makapaghintay sa susunod ng youth summit next year ! alam kong mas marami pang youths na dadating at excited na kong makita na maybe more than 20,000 youths eh umiiyak para sa iisang diyos.


tagged as: personal.
Reblog / Posted 3 days ago
Anonymous: may bago ka na??..o nang liligaw??

iisang tao ka lang ba ? bakit ka interesado ? friend talaga kita sa fb ? haha, hmmm, wala akong bago, bitter nga sa lahat ng lalake =.= hmm, nanliligaw, wala din, may mga nagtatanong pero di ako pumapayag, yaw muna. pakilala ka na !


Reblog / Posted 5 days ago
1 2 3 4 5 n e x t ~
Theme by:issxhamkonsepsyon Powered by: Tumblr